|
Para maipatala ang inyong anak, kakailanganin ninyo ang mga
sumusunod na dokumento:
- Mga Pormularyo/Papel para sa Pagpapatala at Pagpaparehistro -
Maaring makuha sa Bilingual Family Center (Sentro ng Bilingguwal na
Pamilya) o kunin mula sa aming website na may pamagat na
Enrollment.
- Identipikasyon - kinakailangan ang may nakalarawang
identipikasyon ng magulang o tagapag-alaga, gaya ng lisensiya sa
pagmamaneho, Identipikasyon para sa Estado ng Washington, o
pasaporte.
- Katibayan ng tinitirahan - dalawang piraso ng identipikasyon
ang kinakailangan para sa pagpapatunay ng tirahan gaya ng may pirma
at may petsang resibo ng renta, o kasunduan sa pag-upa, katibayan
ng pagbabayad sa buwis, kasalukuyang resibo ng binabayarang
utilidad, dokumento ng DSHS, o kasalukuyang stub ng suweldo.
Kung pansamantalang nakikitira, kinakailangan na makumpleto,
mapirmahan at ipanotaryo ang Temporary Living with Form
(Pansamantalang Nakikitira na Papel). Maari ninyong makuha ang
papel na ito mula sa Bilingual Family Center o idownload ito.
Form
- Tala ng bakuna ng inyong anak - ang mga ibinigay na petsa ay
kinakailangan na alinsunod sa itinakda ng estado para sa
kalusugan.
- Katibayan ng kapanganakan ng inyong anak - Sertipiko ng
kapanganakan mula sa ospital o sa estado, kasalukuyang kard ng
DSHS, I-94 o pasaporte.
Dalhin ang inyong anak para siya masuri ayon sa kahusayan sa
wikang Ingles.
Ang batang may edad na limang taon sa o bago mag-Agosto 31 ng
taon ng pasukan ay maaring magpatala para sa Kindergarten sa
panahon ng pagpapalista sa ika-15 ng Enero hanggang sa ika-28 ng
Pebrero.
Updated October 1, 2004
|
|
Mga Programa at
Mga Serbisyo
Mga
Dokumento at Mga Pormularyo
Mga
Kailangan para sa Pagpaparehistro
Mapa at
Direksiyon
Bilingguwal na
Tagapamahala
|