Maligayang Pagdating mula sa Mga Pampublikong Paaralan ng
Seattle
Para maipatala ang inyong anak, kakailanganin
ninyo ang mga sumusunod na dokumento:
- Mga Pormularyo/Papel para sa Pagpapatala at
Pagpaparehistro - Maaring makuha sa Bilingual Family Center (Sentro
ng Bilingguwal na Pamilya) o kunin mula sa aming website na may
pamagat na Enrollment.
- Identipikasyon - kinakailangan ang may
nakalarawang identipikasyon ng magulang o tagapag-alaga, gaya ng
lisensiya sa pagmamaneho, Identipikasyon para sa Estado ng
Washington, o pasaporte.
- Katibayan ng tinitirahan - dalawang piraso ng
identipikasyon ang kinakailangan para sa pagpapatunay ng tirahan
gaya ng may pirma at may petsang resibo ng renta, o kasunduan sa
pag-upa, katibayan ng pagbabayad sa buwis, kasalukuyang resibo ng
binabayarang utilidad, dokumento ng DSHS, o kasalukuyang stub ng
suweldo.
Kung pansamantalang nakikitira, kinakailangan na
makumpleto, mapirmahan at ipanotaryo ang Temporary Living with Form
(Pansamantalang Nakikitira na Papel). Maari ninyong makuha ang
papel na ito mula sa Bilingual Family Center o idownload
ito. Form
- Tala ng bakuna ng inyong anak - ang mga ibinigay
na petsa ay kinakailangan na alinsunod sa itinakda ng estado para
sa kalusugan.
- Katibayan ng kapanganakan ng inyong anak -
Sertipiko ng kapanganakan mula sa ospital o sa estado, kasalukuyang
kard ng DSHS, I-94 o pasaporte.
Dalhin ang inyong anak para siya masuri ayon sa
kahusayan sa wikang Ingles.
Ang batang may edad na limang taon sa o bago
mag-Agosto 31 ng taon ng pasukan ay maaring magpatala para sa
Kindergarten sa panahon ng pagpapalista sa ika-15 ng Enero hanggang
sa ika-28 ng Pebrero.